dzme1530.ph

Pamamahagi ng 1,000 pisong ayuda pinaghahandaan ng Pamahalaan.

Naghahanda ang Marcos administration para sa paglulunsad ng panibagong round ng ayuda sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) program.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ito’y upang maibsan ang pasanin ng mga consumer sa gitna ng patuloy na pagtaas ng inflation rate o ang bilis ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Sinabi ni Diokno na sa ngayon ay ikinu-konsidera nila ang dalawang buwan na subsidiya para sa mga consumer.

Aniya, ang TCT program para sa consumers ay ilulunsad sa sandaling matukoy na ng pamahalaan ang panggagalingan ng pondo.

Inihayag ng kalihim na Nasa 9.3 million “poorest of the poor” ang makatatanggap ng isang libong piso na hahatiin para sa dalawang buwan.

Ang kabuuang budget para sa naturang cash aid ay itinakda sa 9.3 billion pesos, plus 5% ng administration cost.

About The Author