dzme1530.ph

Mga landmines at bala na gamit ng NPA, nakuha sa Albay

Nakarekober ang tropa ng pamahalaan ng walong landmines, 1,747 rounds ng ammunition at 180 meters ng electrical wire sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Major Franco Roldan, Public Affairs Office Commander ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, narekober ang naturang items, ilang araw makaraang pagbabarilin ng umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dalawang sundalo na bahagi ng retrieval efforts sa bumagsak na cessna plane.

Sinabi rin ni Roldan na natukoy na ng militar ang pagkakakilanlan ng mga personalidad na sangkot sa pagpaslang kina Privates John Paul Adalim at Mark June Esico.

Idinagdag din ng army major na pahina na ng pahina ang puwersa ng NPA sa lalawigan at kaunti na lamang aniya ay wala nang ligtas na lugar para sa mga rebelde.

About The Author