Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na handa sila sa inaasahang volume ng mga pasahero sa NAIA dahil sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas 2023.
Ito ang pahayag ni MIAA OIC GM Bryan Co at mga opisyal ng Cebu Pacific matapos ang isinasagawang inspection sa NAIA Terminal 3.
Ayon kay Co, tinatayang nasa 1.2 milyong pasahero mula Oktubre 27 hanggang matapos ang Undas ang dadagsa sa NAIA.
Bawal na rin aniya ang “day-off” sa mga empleyado ng paliparan upang may sapat na bilang ng mga tauhang aalalay sa mga pasahero.
Inihahanda na rin ang mga kainan sa mga restaurant sa loob ng airport para sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng pagkaantala at kanselasyon ng mga biyahe.
Ayon kay Michael Madamba ng Cebu Pacific Airport Performance, ang mga ground crew na din ang magbibigay ng imposmasyon sa mga pasahero kung ano ang magiging status ng kanilang flights.
—Ulat ni Tony Gildo, via DZME News