dzme1530.ph

20 miyembro ng Pyramiding Scam, arestado sa makati

Dalawampung suspek ang inaresto sa isang hotel sa Lungsod ng Makati dahil sa umano’y pagkakasangkot sa Pyramiding Scam.

Dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga suspek sa gitna ng pagtitipon ng kumpanyang Pro-Cap International Incorporated.

Batay sa imbestigasyon, nangako ang grupo ng One-Day Return of Investment na may minimum initial investment na P72,500 pesos.

Ayon kay CIDG-NCR Officer-In-Charge Police Col. Joey Caise, sa loob lamang ng isang araw ay maibabalik sa kliyente ang kanilang pera na lingid sa kanilang kaalaman ay gagamitin ito sa online casino.

Ang mga inaresto ay kinabibilangan ng 11 Pilipino at 9 na na foreign national.

Samantala, kabilang din sa mga dumalo sa pagtitipon si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na napag-alamang isa sa mga abogado ng Pro-Cap International.

About The Author