Panis na pagkain ngayon ang pinagtitiyagaan ng mga Pilipinong naiipit sa Gaza sa gitna ng sagupaan ng Israeli Forces at militanteng Hamas.
Ayon sa isang pinoy, oat bread at tubig na lamang ang pinagtitiyagan nila mula ng tumakas ang mga ito sa gitna ng bakbakan ng dalawang grupo. Anila, unti-unti nang nauubos at napapanis ang limitadong supply ng pagkain na mayroon sila.
Sa harap ng papaubos ng supply ng pagkain at tubig, umaasa ang mga Pinoy na mabubuksan na ang Rafah Border sa Egypt upang makalabas na sila ng Gaza.
Ayon sa pamahalaan, ang mga Pilipino na maililikas mula sa Gaza ay dadalhin muna sa Egypt bago sila iuwi sa Pilipinas kung saan makatatanggp sila ng Financial Assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na P 50,000 piso kada pamilya at pamasahe kung malayo ang kanilang probinsya uuwian.