Tumaas ng 21.87% ang mga subsidiya na ipinagkaloob sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCS) noong Agosto, ayon sa Bureau of the Treasury.
Batay sa tala, umakyat sa 18.933 bilyong piso ang budgetary support sa GOCCS noong Agosto kumpara sa 15.536 bilyng pisong naitala noong August 2022.
Mas mababa naman ito ng 43% mula sa 33.238 bilyong piso noong Hulyo.
Ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang top recipient noong Agosto na tumanggap ng 12.931 bilyong piso o 68.3% ng kabuuang subsidiya.