dzme1530.ph

Ebidensya ng katiwalian, dapat ilabas ni Digong

Hinamon ng iba’t ibang partido pulitkal sa Kamara sa pangunguna ng LAKAS-CMD, PDP-LABAN, NPC, NP, NUP at Partylist Coalition Foundation ang dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kung may hawak ito katibayan sa bintang na katiwalian ay ilabas ito sa tamang venue.

Dismayado ang mga kongresista dahil masyado umanong ‘sweeping’ ang bintang na inilabas sa media ni Duterte sa halip na sa tamang tanggapan ng pamahalaan ito dalahin.

Ipinagtanggol din ng mga ito ang ‘Extraordinary and Miscellaneous Funds’ ng Kamara, bilang alokasyon para sa opisyal na trabaho ng institusyon, na dumadaan sa pagbusisi at pagsusuri ng Commission on Audit.

Bilang patunay, wala umanong inilabas na anomang negatibong obserbasyon ang COA sa paggastos ng mababang kapulungan sa pondo nito.

Umapila din sila kay Duterte na iwasan ang magbanta o anomang insinuation na makakasakit sa sino mang kasapi ng mababang kapulungan bilang institusyon. —Ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author