dzme1530.ph

Diwa ng EDSA People Power, buhay pa rin sa mga Pilipino ayon sa survey

Anim sa bawat sampung Pilipino ang naniniwalang buhay pa ang diwa ng edsa revolution, batay sa resulta ng survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) bago ang ika-tatlumpu’t pitong anibesaryo ng makasaysayang rebolusyon bukas.

Mula sa 1,200 adult respondents na sinurvey noong Disyembre 10 hanggang 14 ng nakaraang taon, 62 percent ang nagsabing buhay pa ang nito habang 37 percent ang nagsabing hindi na.

Samantala, 57 percent naman ang naniniwalang importante pa rin na gunitain ang EDSA habang 47 percent ang nagsabing hindi na mahalagang gunitain ito.

Nang tanungin ang mga respondents kung gaano karaming pangako ang natupad pagkatapos ng EDSA Revolution, 47 percent ang nagsabing “kakaunti”; 28 percent ang sumagot ng “halos wala o wala talaga”; 19 percent ang nagsabing “marami”; at 5 percent ang sumagot ng “lahat o halos lahat.”

Ang apat na araw na mapayapang pag-aalsa ang nagpatalsik at nagpabagsak sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. dahilan upang manumbalik ang demokrasya sa bansa na pinangunahan ni dating Pangulong Corazon Aquino.

About The Author