Itinaas na sa alert level 2 ang sitwasyon sa Israel sa harap ng digmaan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian terrorist group na Hamas.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na sa ilalim ng alert level 2, ipagbabawal na ang deployment ng bagong Filipino workers sa Israel.
Ipinaliwanag naman ni de Vega na ito rin ang status quo kung saan nakahinto talaga ang pagpapadala ng Pinoy caregivers sa Israel dahil kina-kailangan pa ang panibagong negosasyon, at gayundin ang government-to-government arrangements para sa hotel workers.
Muli ring pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino partikular ang mga turista na ipagpaliban muna ang pag-bisita sa Israel.
Kapwa sinabi naman ng DFA at ng Philippine Embassy in Israel na sa ngayon ay hindi pa nila inire-rekomenda ang mandatory repatriation sa mga Pilipino dahil bumubuti na umano ang sitwasyon at nabawi na rin ng Israeli authorities ang mga lugar na kinubkob ng Hamas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News