Nagpaabot ng pakiki-dalamhati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkamatay ng dalawang Pilipino sa Israel sa harap ng digmaan.
Ayon sa Pangulo, mabigat sa kanyang puso na marinig ang kumpirmasyon sa pagkasawi ng dalawang Pinoy.
Kinondena ni Marcos ang pamamaslang kasabay ng pagtindig laban sa terorismo at karahasan.
Tiniyak naman ng Pangulo na hindi titigil ang pagpapaabot ng tulong ng gobyerno sa mga apektadong overseas Filipino workers at Filipino community.
Nananatili rin umano ang suporta ng Pilipinas sa pagtataguyod ng kapayapaan alinsunod sa United Nations Resolutions at International Laws. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News