dzme1530.ph

Alert level 1, ini-rekomendang panatilihin sa Israel sa kabila ng “State of War”

Ini-rekomenda ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpapanatili ng alert level 1 sa nasabing bansa.

Ito ay sa kabila ng idineklarang “State of War” ng Israel kasunod ng pag-atake ng Palestinian terrorist group na Hamas.

Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Pedro “Junie” Laylo, Jr., nabawi na ng Israeli Security Forces ang kontrol sa mga apektadong lugar sa Southern Israel.

Gayunman, nananatili umanong mainit ang tensyon sa iba pang lugar, at nagpapatuloy din ang pagpapaulan ng rockets mula sa Gaza.

Ipinaliwanag naman ni Laylo na sa ngayon ay nakakagalaw pa ng malaya ang mga tao sa Israel maliban lamang sa mga tinukoy na conflict areas sa Gaza border.

Kasabay nito’y tinitiyak din umano ng Israeli government na hindi pa kinakailangan ang repatriation sa ngayon, at sinisiguro rin nito sa international community na sa emergency situations ay nakahanda ang kanilang puwersa na ilikas ang lahat ng indibidwal, Israeli man o dayuhan. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author