Hindi maglalaro si Stalwart Carl Tamayo sa sixth window ng 2023 Fiba World Cup Asian Qualifiers.
Kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Executive Director at Spokesperson Sonny Barrios na nag “begged off” si Tamayo na maglaro para sa Gilas Pilipinas sa final window.
Makakasagupa ng Gilas ang lebanon sa biyernes, Pebrero 24 at Jordan sa lunes, Pebrero 27, sa Philippine Arena Sa Bocaue, Bulacan.
Ang 20-anyos na si Tamayo ang latest member mula sa National Pool na hindi makapaglalaro, kasunod ni Kai Sotto na pumirma ng kontrata sa Hiroshima Dragonflies sa B. League, at Barangay Ginebra Slotman Japeth Aguilar at Roger Pogoy na kapwa nagpapagaling mula sa injuries.