Patuloy na liliit ang budget deficit ngayong 2023 at 2024 sa gitna ng gumagandang revenue turnouts, ayon sa BMI Country Risk and Industry Research.
Tinaya ng Fitch group ang deficit sa 5.9% ng Gross Domestic Product (GDP) ngayong taon at bababa pa ito sa 5.1% sa 2024.
Kumpara ito sa 8.6% ng GDP noong 2021 at 7.3% noong 2022.
Ayon sa BMI, ang kanilang projection ngayong 2023 ay bahagyang mas maliit kumpara sa pagtaya ng pamahalaan na 6.1%, kasunod ng outperformance sa revenue growth. –Sa panulat ni Lea Soriano