Pinaghahanda na ni OFW Party-List Rep. Marissa Del Mar Magsino, ang Philippine Embassy at Migrant Workers’ Office (MWO) sa Israel, na maglatag ng mekanismo para sa emergency repatriation ng mga Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho doon.
Labis na nababahala si Magsino sa “State of War Alert” na inilabas ng Israel’s Home Front Command, kaya mainam aniya na maghanda na agad ang Philippine government para sa posibleng pagpapauwi o paglikas sa kanila sa ligtas na lugar.
Umapela rin ang lady legislator sa Filipino community sa Israel na panatilihing buhay ang komunikasyon sa embahada at MWO upang mabilis na maka-react sakaling magpalabas uli ng advisory ang Israel Home Front Command.
Nitong madaling araw ng Sabado biglaang inatake ng Hamas fighters ang ilang komunidad sa Israel na nagresulta agad sa pagkamatay ng daan-daang katao. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News