Kinondena ng Pilipinas ang pag-atake ng Palestinian militant group na Hamas sa Israel.
Ayon sa Office of the President, kinokondena ng bansa ang mga pag-atake lalo na sa mga sibilyan.
Gayunman, kanila pa rin umanong kinikilala ang karapatan ng bawat estado sa “self-defense” o pagtatanggol sa sarili, na kinikilala rin sa United Nations Charter.
Nagpaabot din ito ng pakikiramay sa mga namatayan sa nasabing pag-atake.
Matatandaang naglunsad ang hamas ng sorpresang pag-atake sa Israel kabilang ang pagpapaulan ng rockets at malawakang ground assault.
Umaasa naman ang Palasyo na magwawakas na ang bakbakan at ipinagdarasal din nito ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News