Nag-resign ang hepe ng State Rail Operator ng Spain na Renfe Train at ang Secretary of State Transportation ng bansa, kasunod ng pagbili ng mga tren na masyadong malapad para magkasya sa mga tunnel.
Dahil sa resignation nina Isaias Taboas na namuno sa Renfe simula June 2018, at Isabel Pardo, umakyat na sa apat ang nawalan ng trabaho dahil sa naturang scandal.
Inanunsyo ang pagbibitiw ng dalawa, ilang sandali makaraang makipagpulong si Minister of Transport Raquel Sanchez sa mga presidente ng Northern Regions ng Asturias at Cantabria upang ipaliwanag kung paano nagkamali sa pagsukat.
Ang naturang error ay inaasahang magdudulot ng dalawang taong delay sa manufacturing process, at kabilang sa mga maaapektuhan ang Asturias at Cantabria.