dzme1530.ph

AFP, nagpasalamat sa suporta ng Kamara kaugnay sa isyu sa WPS

Personal na pinasalamatan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. si House Speaker Martin Romualdez at buong Kamara de Representantes, sa pagkilala nito sa kahalagahan upang palakasin ang defense resources ng bansa kasunod ng pagbisita sa Pag-asa Island sa WPS.

Ayon kay Brawner, ang ipinakitang suporta ni Romualdez ay crucial sa “mission” ng AFP na tiyakin ang seguridad at isulong ang interes ng bansa sa WPS.

Tahasang sinabi ng AFP Chief na ang labanan sa WPS ay “effective presence,” na ang ibig sabihin kung sino ang nasa lugar, ay siyang may kontrol.

Para sa heneral ang Pag-asa Island ay sumisimbulo sa pinaka mataas na representasyon ng pamahalang Pilipinas at karapatan sa WPS.

Sa panig naman ni Romualdez, pinasalamatan din nito si Brawner at mga sundalo ng AFP sa kanilang ginagawang sakrepisyo para lang maipagtanggol ang teritoryo ng bansa.

Kasabay nito siniguro ng presidential cousin ang suporta ng kamara sa buong Sandatahang Lakas.

Bukod kay Romualdez, kasama rin sa bumisita sa Pag-asa Island si Cong. Zaldy Co ng Ako Bicol Partylist, majority floor leader Mannix Dalipe, at si House minority floor leader Marcelino Nonoy Libanan ng 4P’s Partylist. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author