dzme1530.ph

1k sako ng smuggled premium rice, ipinamahagi sa 4Ps beneficiaries sa Capiz

Dinala na rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Visayas ang ipinamamahaging smuggled na bigas na nasabat ng Bureau of Customs.

Ngayong Biyernes ng umaga, pinangunahan ni Marcos ang distribusyon ng 1,000 sako ng smuggled premium rice sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa Roxas City, Capiz.

Ang bigas ay bahagi pa rin ng mahigit 42,000 sako ng smuggled na bigas na nakumpiska ng customs sa Zamboanga City.

Kasama ng Pangulo sa rice distribution sina DSWD Sec. Rex Gatchalian, Capiz Gov. Fredenil Castro, at former DILG Sec. Mar Roxas.

Bukod sa bigas, itinurnover din ni Marcos ang iba’t ibang government assistance mula sa DSWD, Department of Agriculture, Philippine Coconut Authority, Department of Labor and Employment, Department of Health, Technical Education and Skills Development Authority, at Commission on Higher Education. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author