dzme1530.ph

Pagkiling ng DA sa isang supplier ng fertilizer, kinuwestyon sa Senado

Kinuwestyon ni Senador Raffy Tulfo ang pagkiling ng Department of Agriculture (DA) sa isang supplier ng fertilizer kahit ilang beses na itong pumalpak.

Tinukoy ni Tulfo ang Universal Harvester na ginawaran ng P230-M na halaga ng kontrata para sa agricultural products bagamat ilang beses na bigong matugunan ang kanilang obligasyon sa ahensya.

Partikular na kinuwestyon ni Tulfo ang kapabilidad ng supplier matapos na mabigo itong i-deliver ang 1,300 bags ng fertilizers mula 40,000 purchased.

Iginiit ni Tulfo na sa halip na bigyan ng mga bagong kontrata ay dapat na isinailalim sa blacklisting ng ahensya ang kumpanya.

Pinasisilip din ni Tulfo ang mga sangkot ditong opisyal at pananagutin sa mga palpak na kontrata na dahilan ng hindi magandang serbisyo sa taumbayan. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author