Mahigit 80% nang handa ang comelec para sa isasagawang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE ngayong October 30.
Ayon kay Comelec Spokesperson Rex Laudiangco, nasa 60 million mula sa 66 million na mga balota para sa barangay elections at 20 million mula sa 23 million ballots para sa sk elections ang na-imprenta na.
Bukod dito, sinabi ni Laudiangco na ang iba pang kagamitan, gaya ng pens, indelible inks, folders at accountable forms, ay handa na rin para sa naturang halalan.
Samantala, inihayag ng poll official na hinihintay pa nila ang desisyon ng Supreme Court hinggil sa apela laban sa October 30 schedule ng 2023 BSKE.
Nobyembre ng nakaraang taon nang hilingin ng Veteran Election Lawyer na Si Romulo Macalintal sa Korte Suprema na atasan ang comelec na maghanda para sa pagsasagawa ng susunod na BSKE ngayong May 2023.
Tiniyak ni Laudiangco na handa ang Comelec na magsagawa ng halalan kahit sa Mayo dahil inaasahang maku-kompleto ang ballot requirements ngayong Pebrero.