Ipinag-utos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-iinspeksyon sa warehouse ng kanilang NCR field office, na pinuna ng Commission on Audit dahil sa umano’y mga nakitang ipis at daga na nag-resulta sa pagkabulok ng relief goods.
Inatasan na ni DSWD Sec. Rex Gatchalian si NCR Field Office Director Michael Joseph Lorico na puntahan ang bodega at tingnan ang kondisyon ng mga naka-imbak na relief goods.
Ipinatitiyak din na walang outdated o expired na relief items ang maipamamahagi sa mga lugar na tatamaan ng mga kalamidad.
Tiniyak din ng ahensya ang pagsasagawa ng regular na pest control at pagkukumpuni sa nasabing storage facility.
Iginiit ni DSWD Assistant Sec. Romel Lopez na ang mga salitang “sira-sira” at kawalan ng kalinisan at kaayusan ay hindi katanggap-tanggap sa manual ng DSWD para sa stockpiling ng relief goods. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News