dzme1530.ph

Pilipinas at Netherlands, palalakasin ang Naval Defense Cooperation

Inanunsyo ng Department of National Defense (DND) na interesado ang Netherlands na palakasin ang kanilang defense ties sa Pilipinas, lalo na sa larangan ng Naval Defense Cooperation.

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, ipinaabot ni Dutch Ambassador Marielle Geraedts ang plano nang mag-courtesy call ito kay Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Ang naval industries ng Netherlands ay isa sa pinaka-capable sa buong mundo at kilala sa paggawa ng high-quality patrol ships, corvettes, frigates, at submarines.

Ipinanukala naman ni Teodoro na lawakan pa ang defense cooperation at ikunsidera ang kahalagahan ng ibang areas, gaya ng cyber at artificial intelligence, gayundin ang “greenfield opportunities” sa iba’t ibang industriya, partikular sa defense and security sa Netherlands at European Union para sa overall bilateral cooperation. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author