dzme1530.ph

Mahigit 20 sundalo, nawawala matapos tangayin ng malawakang pagbaha sa India

Patuloy pa ring pinaghahanap ng search operation team ang nasa 23 sundalo na pinaghihinalaang tinangay ng baha dahil sa tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan sa hilagang singalang bahagi ng Sikkim State sa India.

Sa video na ipinakita ng tagapagsalita ng Indian army, makikita ang malakas na ragasa ng tubig baha na bumalot sa naturang lugar.

Dahil sa malakas na pag-ulan, umapaw ang Lhonak Lake sa North Sikkim gayundin ang Teesta River.

Sinabayan pa ito ng pinakawalang tubig mula sa Chungthang Dam na nagresulta sa mas lalong pagtaas ng tubig baha na aabot sa 15 talampakang mas mataas kumpara sa karaniwang lebel ng tubig.

Una nang nakapagtala ang Indian authorities ng tatlong sibilyan na nasawi bunsod ng insidente at narekober ang mga labi nito sa bayan ng Singtam.

Samantala, tiniyak naman ng mga otoridad na magpapatuloy ang kanilang search and rescue operation sa mga lugar na apektado ng kalamidad. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author