Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rehabilitasyon ng coconut industry ng bansa.
Sa meeting sa Malakanyang, inatasan ng Pangulo ang Philippine Coconut Authority (PCA) na bumuo ng general Plan para sa development at rehabilitation ng industriya, sa harap ng inilatag na Massive Coconut Planting and Replanting Project 2023-2028.
Sa ilalim nito, target na maitanim ang hanggang 100-M puno ng niyog sa susunod na limang taon.
Kaugnay dito, ini-rekomenda ng PCA sa Pangulo ang paglalabas ng memorandum circular na mag-aatas sa lahat ng kaukulang ahensya ng gobyerno at hihikayat sa local government units na suportahan ang proyekto.
Iginiit ng PCA na kinakailangan ang whole-of-nation approach upang maisakatuparan ang planong pagtatanim ng 100-M na puno ng niyog. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News