Isang malaking banta sa “manual labor force” ang pag-usbong ng modernong teknolohiya na Artificial Intelligence (AI).
Ito ang sinabi ni Manila Congressman Rolando Valeriano, Chairman ng Committee on Metro Manila Development.
Paliwanag nito, hindi niya minamasama ang pagsulpot ng modernong teknolohya, subalit napakahalaga pa rin na isaalang-alang ang kapakanan ng tao lalo na ang manggagawa.
Kung hindi maiaayos, posible aniyang dumating ang panahon na sasapawan at lalamunin na ng AI ang maraming trabaho kabilang ang blue at white collar jobs.
Dagdag pa nito, malaking bahagi ng labor force ang mga nasa pabrika at kumpanya, subalit posible itong mawala dahil sa pwede nang gawin ng “manmade robots” o makina ang trabaho sa pamamagitan ng remote control.
Una dyan iniulat ng World Economic Forum na ang kasalukuyang profession o trabaho ng tao ay hindi na maituturing na “future proof” dahil sa pagsulpot ng AI na inaasahang magiging malaking banta pagsapit ng taong 2027. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News