Hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pakikiisa ng publiko na tangkilikin ang mga produkto na makatutulong sa pangangalaga ng kalikasan.
Ito ang mensahe ni Trade Secretary Alfredo Pascual nang pangunahan nito ang pagsisimula ng Consumer Welfare Month salig sa umiiral na Consumer Welfare Act.
Ang tema ng okasyon para sa taong ito ay Generation Sustainable (GenS) na naglalayong isulong ang 7Rs o ang Rethink, Refuse, Reduce, Reuse, Repurpose, Recycle at Repair.
Binigyang diin ng kalihim na malaki ang gastusin kahit sa pagtatapon ng basura kaya’t makatutulong aniya ito para mabawasan ang pagdami ng basura na siyang nakapipinsala sa kalikasan
Sa panig naman ng mga konsyumer, sinabi ni Pascual na makatitipid din sila ng malaki kung gagamit ng mga praktikal na paraan upang mabawasan ang itinatapong basura. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News