dzme1530.ph

33 NCR congressmen, bubuo ng programa para sa pamamahagi ng bigas sa Metro Manila

Bubuo ng programa ang 33 mambabatas sa Metro Manila para sa pamamahagi ng bigas.

Sa chance interview sa sidelines ng distribusyon ng 1,000 sako ng smuggled na bigas sa Taguig City, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na binigyan niya ng instructions si House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng pagbuo ng rice assistance program para sa NCR congressmen.

Sa ilalim nito, ang mga mambabatas ay mamimigay ng tulong na bigas sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Iginiit ni Marcos na batay sa statistics ay nakitang kalimitang nasa NCR ang problema sa presyo ng bigas, ngunit natural lamang umano ito sa isang siyudad kung saan matagal dumarating ang bigas, at mataas ang gastos sa transportasyon, storage, at processing fee.

Mababatid na patuloy na ipinamamahagi ng gobyerno sa mahihirap na pamilya ang nasabat na libu-libong sako ng smuggled na bigas.

Ngayong araw naman ay inanunsyo ng Pangulo ang pagbawi sa itinakdang mandated price ceiling sa bigas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author