Pinuri ng Lithuania ang pagpapabatid ng suporta ng Pilipinas sa Ukraine sa harap ng pananakop ng Russia.
Sa presentasyon ng kanyang credentials kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inihayag ni Lithuanian Ambassador to the Philippines Ricardas Slepavicius na ang Pilipinas at Lithuania ay maituturing na “like-minded nations”, na kapwa nagpabatid ng pagtulong sa Ukraine.
Matatandaang kamakailan ay nagpasalamat kay Marcos si Ukrainian President Volodymyr Zelensky para sa pag-suporta sa soberanya at territorial integrity ng kanilang bansa.
Kaugnay dito, naniniwala ang Lithuanian envoy na ang Pilipinas at Lithuania ay magkatuwang sa pagsusulong ng kaunlaran, at nangako rin ito ng pagpapalakas ng bilateral partnership ng dalawang bansa.
Samantala, nag-presenta rin ng kanyang credentials sa malakanyang si Guatemala ambassador-designate Manuel Estuardo Roldan Barillas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News