dzme1530.ph

Pamamahagi ng ayuda sa retailers, magpapatuloy!

Magpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda sa rice retailers kahit pa bawiin ang itinakdang mandated price ceiling sa bigas.

Ito ang inihayag ni Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban matapos ang paglatag kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga indikasyon para sa posibleng pagbawi sa price cap.

Ayon kay Panganiban, sa panig ng Department of Agriculture ay tuloy-tuloy naman ang interventions.

Sinabi rin ng opisyal na ang cash assistance sa rice retailers ay hindi naman nalalayo sa sustainable livelihood program ng mga ahensya.

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng P15,000 cash assistance sa rice retailers at sari-sari store owners na apektado ng mandated price ceiling sa bigas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author