dzme1530.ph

DTI, nanindigang naging epektibo ang price cap sa bigas

Kinumpirma ni DTI Secretary Alfredo Pascual na sinusuportahan nila ang rekomendasyon na i-lift ang ipinatupad na price cap sa bigas.

Sa gitna ito ng paninindigan ng opisyal na malinaw na ang mga indikasyon upang alisin ang price cap dahil naging epektibo naman ang pagpapatupad nito.

Sinabi ng kalihim na may sapat nang suplay ang bansa dahil panahon na ng anihan.

Sa katunayan aniya ay nasa 52 araw na ang stock ng bigas at inaasahan nilang sa pagtatapos ng buwan ay aabot na sa 76 araw ang rice supply.

Batay din sa kanilang monitoring, hanggang nitong September 29 ay umabot na sa 80-90 retailers ang sumunod sa price ceiling. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author