Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na nasa 1.9-M metric tons ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka ang inaasahang madaragdag sa suplay ng bansa ngayong buwan ng Oktubre.
Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni DA – Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban na dahil sa karagdagang suplay, inaasahang mula sa 50-52 days noong Setyembre ay tataas sa 74 days ang panahong sasapat ang suplay ng bigas sa bansa.
Idinagdag pa ni Panganiban na dahil sa hinihintay na ani ng palay para sa Oktubre at Nobyembre, makakaasa ang publiko sa stable na suplay ng bigas.
Ito rin ay kabilang sa mga indikasyon na inilatag kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa posibleng pagbawi sa itinakdang mandated price ceiling sa bigas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News