Inilatag kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga indikasyon para sa posibleng pagbawi sa itinakdang mandated price ceiling sa bigas.
Ito ay sa sectoral meeting sa Malakanyang ngayong Martes na pinangunahan mismo ng Pangulo, na siya ring tumatayong agriculture secretary.
Sa press briefing sa Palasyo, inihayag ni Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban na inilatag ng mga opisyal ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry ang indicators na maaaring maging batayan sa pagbawi sa price cap.
Una rito ay ang na-obserbahang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan mula nang ipatupad ang price ceiling
Pangalawa ay ang inaasahang pagtaas ng lokal na suplay ng bigas sa huling bahagi ng taon.
Kasama rin ang external factors kabilang ang pagbaba ng presyo ng imported na bigas sa global market.
Naniniwala si Panganiban na batay sa mga nabanggit na indikasyon ay handa na silang i-rekomenda sa Pangulo ang pagbawi sa price cap.
Matatandaang sa ilalim ng Executive Order no. 39, itinakda sa P41 per kilo ang mandated price ceiling sa regular-milled rice, at P45 per kilo sa well-milled rice. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News