dzme1530.ph

Mataas na inflation, itinurong sanhi sa bumabang foreign direct investments sa unang 6-buwan ng taon

Itinurong sanhi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mataas na inflation rate bilang sanhi sa bumabang foreign direct investments (FDI) sa 1st semester ng taon.

Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, kapag mataas ang inflation rate ay naitataboy nito ang foreign investors.

Bukod dito, naging indikasyon din umano sa bumabang FDI ang iba pang global financial conditions tulad ng mataas na interest rates.

Matatandaang matapos ang anim na buwang pagbaba, sumipa sa 5.3% ang inflation rate para sa buwan ng Agosto, bunga ng sumipang presyo ng pagkain at transport costs.

Sa kabila nito, naniniwala si Pascual na nananatili pa rin ang solid investors’ confidence, sa harap ng mataas na reinvested earnings at tumataas na foreign investment approvals ng board of investments at iba pang investment promotion agencies.

Sinabi pa ng kalihim na mayroong foreign investments na hindi naka-rehistro sa investment promotion agencies. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author