dzme1530.ph

Pilipinas, planong magtayo ng mas maraming military-civilian bases

Target ng Pilipinas na bumuo ng mas maraming military at civilian bases para protektahan ang archipelagic baselines ng bansa.

Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro Jr. na bagaman hindi pa natutukoy ang mga posibleng lokasyon ay sinabihan niya ang Armed Forces of the Philippines na magtayo sa extremities o dulo ng naturang baseline.

Ayon kay Teodoro, sa susunod na taon magsisimula ang pagpa-plano at groundwork ng karagdagang mga base ng Pilipinas, na magiging joint sites ng coast guard, Philippine Navy, Philippine Air Force, at civilian agencies.

Kamakailan, tinanggal ng Pilipinas ang floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard sa timog-silangang bahagi ng Scarborough Shoal alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at National Security Adviser Eduardo Año, na umuupo rin bilang pinuno ng National Task Force for the West Philippines Sea. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author