dzme1530.ph

DA, target pataasin ang livestock output

Target ng Department of Agriculture (DA) na pataasin ang local production ng livestock at poultry nang limang beses sa loob ng limang taon upang maiwasan ang pag-aangkat ng mga produkto.

Ayon kay DA Usec. Deogracias Victor Savellano, layon din ng hakbang na madagdagan ang kita ng mga magsasaka at mapababa ang presyo ng mga nasabing produkto.

Kasalukuyan nila aniyang pinag-aaralan ang mga mungkahi mula sa iba’t ibang sektor ng agrikultura, kung paano mailalapat ang mga plano upang mapalakas ang poultry at livestock sector.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022, nakapag-produce ang bansa ng 2.14-M MT ng livestock commodities, habang 2.6-M MT naman sa poultry sector. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author