Inilipat na sa pagamutan si dating Socorro, Surigao del Norte Mayor Mamerto Galanida dahil sa pagbagsak ng blood pressure.
Una munang dinala ang 82-anyos na opisyal ng Socorro Bayanihan Services Incorporated sa Pasay City General bago inilipat sa isa pang pagamutan.
Kasama si Galanida sa apat na personalidad ng SBSI na ikinulong sa Senado makaraang ma-contempt.
Samantala, humingi na ng tulong kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga dating tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na sumapi sa SBSI.
Ang mga uniformed personnel ng BFP at BJMP ay nag-absent without leave (AWOL) at umakyat sa bundok sa Sitio Kapihan para sumapi sa umano’y kulto sa Socorro.
Ayon kay dela Rosa, humingi ng tulong sa kanya ang mga director ng BFP at BJMP upang ma-reinstate o makabalik sa serbisyo ang mga tauhan.
Nagsisisi na anya ang mga ito sa kanilang ginawa at nahihirapan na, iyon lamang, hindi sila basta makabalik sa baba dahil pinagbebenta ng mga ito ang kanilang mga ari-arian at tahanan. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News