dzme1530.ph

Marcos-Duterte admin, tiniyak ang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga guro

Patuloy na magsusumikap ang Marcos-Duterte admin upang matugunan ang pangangailangan ng mga guro.

Ito ang siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa harap ng nalalapit na selebrasyon ng National Teachers Day sa Huwebes, Oktubre a-5.

Sa kanyang social media post, inihayag ni Marcos na sa nalalapit na pagtatapos ng National Teachers’ Month, kanyang binibigyang-pugay ang mga guro na maituturing na bayani ng edukasyon ng kabataan.

Kasabay ng pasasalamat ay tiniyak ng Pangulo na hindi sila titigil sa pagdodoble kayod upang mai-angat ang pamumuhay ng mga guro.

Mababatid na kagabi ay dinaluhan mismo ng Pangulo at ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang ikatlong edisyon ng “Konsyerto sa Palasyo” na pinamagatang “Para sa Mahal Nating Mga Guro”.

Samantala, nangako si Marcos na hindi rin titigil ang pagtugon ng gobyeno sa pangangailangan ng mga paaralan at mga estudyante. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author