dzme1530.ph

Senado, on track sa pagpasa ng 2024 National Budget sa Disyembre

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na matatapos nila ang pagpasa sa panukalang 2024 National Budget sa ikalawang linggo ng Disyembre upang agad malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Zubiri na inasaahan nilang sa pagbabalik ng sesyon sa November 6 ay maisusumite na sa kanila ng Kamara ang inaprubahan nilang General Appropriations Bill at agad naman nilang masisimulan ang plenary debates.

Sa ngayon kasi anya kahit naka-break ang sesyon ay tuloy-tuloy ang committee hearings para busisiin ang panukalang budget ng bawat ahensya.

Sa plano anya ng Senado, sa November 10 ay sisimulan na nila ang plenary debates na tatagal ng dalawang linggo.

Posibleng sa pagtatapos anya ng Nobyembre ay maaprubahan na sa 3rd and final reading ang panukalang budget para maisalang sa Bicam Committee meeting sa unang linggo ng Disyembre at maratipikahan sa December 8 hanggang 10.

Sa ganitong iskedyul, sinabi ni Zubiri na bago matapos ang taon ay malalagdaan na ni Pangulong Marcos ang panukalang national budget. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author