Ipinamahagi ng gobyerno sa mahihirap na pamilya sa Siargao Island at Dinagat Islands ang nasabat na nasa mahigit 3,000 sako ng smuggled na bigas.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang distribusyon ng 2,265 sako ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Siargao.
Kasunod nito ay nagtungo ang Pangulo sa San Jose Dinagat Islands para sa pamamahagi ng 1,000 sako ng premium rice sa 4Ps beneficiaries.
Sa kanyang talumpati, muling tiniyak ng Pangulo ang pinalakas na aksyon laban sa smuggling at hoarding, na ito umanong nagtutulak sa pagsipa ng presyo ng bigas.
Ang ipinamahaging bigas ay bahagi pa rin ng mahigit 42,000 sako ng smuggled rice na nakumpiska ng Bureau of Customs sa Zamboanga City. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News