dzme1530.ph

Mga mangingisdang Pinoy, mawawalan ng 164 tonelada ng huling isda kada araw kung hindi inalis ang floating barriers ng China sa Bajo de Masinloc

Tinatayang nasa 164 na tonelada ng huling isda ang mawawala sa mga mangingisdang Pinoy, kung hindi inalis ang floating barriers ng China sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng kanyang utos sa pag-aalis ng floating barriers.

Sa chance interview sa Siargao, sinabi ni Marcos na noong pinutol ang tali ng barriers ay nakapasok ang mga mangigisda at nakahuli ng 164 tons ng isda sa loob lamang ng isang araw.

Kung hindi umano inalis ang barriers, ganito rin karami ang huling isda na mawawala kada araw sa Filipino fishermen.

Iginiit ng Pangulo na hindi tama ang paglalagay ng barriers sa lugar dahil malinaw na nasa loob ito ng Pilipinas.

Sa kabila nito, nilinaw ni Marcos na hindi naghahanap ng gulo ang bansa, ngunit patuloy nitong ipagtatanggol ang maritime territory ng Pilipinas at ang karapatan ng mga mangingisda. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author