dzme1530.ph

Pagpapatigil sa LGU pass-through fees sa mga sasakyang naghahatid ng mga produkto, bahagi ng Ease of Doing Business

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang kanyang utos sa pagpapatigil ng pass-through fees ng mga lokal na pamahalaan sa mga sasakyang naghahatid ng mga produkto, ay bahagi ng pagtataguyod ng Ease of Doing Business.

Sa chance interview sa pamamahagi ng bigas sa Siargao Island, ipinaliwanag ng Pangulo na natatagalan at kalimitang inaabot pa ng overnight o magdamag ang delivery trucks, kapag dumadaan pa sila sa pag-iinspeksyon sa iba’t ibang bayan.

Kaugnay dito, ipinahinto ni Marcos ang paniningil ng pass-through fees upang hindi na kailangang maghintay pa ng mga truck sa bawat boundary ng mga bayan.

Ito rin ay upang pa-simplehin ang requirements sa isang transporter, sa paghahatid ng mga produkto mula sa bukid patungo sa mga pamilihan.

Kasabay nito’y sinabi ni Marcos na layunin din nitong mapababa ang gastos sa transportasyon upang mapababa rin ang presyo ng mga bilihin. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author