dzme1530.ph

PBBM, ipinatitiyak ang epektibong implementasyon ng social benefits sa AFP at uniformed personnel

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na tiyakin ang epektibong implementasyon ng Comprehensive Social Benefits Program (CSBP) para sa military at uniformed personnel.

Sa kanyang talumpati sa ‘PBBM: Pagpupugay sa mga Bayani ng Bansang Makabayan’ Ceremony sa Davao City, inihayag ng Pangulo na nararapat na bigyan ng tulong medikal, pinansiyal, pang-edukasyon, trabaho, pabahay, at iba pang social welfare assistance ang mga pamilyang naulila ng mga magigiting na kawal ng bansa na nasawi sa gitna ng labanan.

Kaugnay dito, ipinasisiguro ni Marcos na agarang makararating ang mga benepisyo.

Sinabi ng Pangulo na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, lahat ng Pilipino ay uunlad at magiging katuwang sa transpormasyon.

Saklaw ng CSBP ang mga sundalo at pulis na nasawi o napuruhan habang nasa lehitimong operasyon, at gayundin ang uniformed personnel ng Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU), at CAFGU Active Auxiliary Units ng AFP. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author