dzme1530.ph

DOH, kinastigo sa hindi pa nagagamit na pondo para cancer patients

Kinastigo ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) dahil sa impormasyon na hindi pa nagagamit ang pondo para sa Cancer Assistance Program na pinaglaanan ng P1-B ngayong taon.

Sa budget hearing ng Senado, iginiit ni Go na hindi katanggap-tanggap na 0% utilization pa ang ahensya sa Cancer Assistance Fund gayung maraming pasyente ang nangangailangan nito.

Marami anyang cancer patients ang nangangailangan ng medikasyon at iba pang medical treatment.

Aminado naman si DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na wala pang nababawas sa pondo ngayong 2023 dahil kalalagda lamang anya ng joint memorandum circular order para sa implementasyon nito.

Kasabay nito, tiniyak ni Vergeire na hindi na ito mauulit dahil ang nilagdaan nilang circular ay magtutuloy tuloy na ang epekto at hindi na kinakailangang i-renew kada taon.

Sinabi ni Go na dapat lamang na ayusin ng DOH ang paggastos lalo pa’t plano nila dagdagan pa ang pondo para rito. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author