dzme1530.ph

PBBM at VP Sara Duterte, namahagi ng tulong sa pamilya ng mga nasawing militar at pulisya sa Davao City

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ang pamamahagi ng comprehensive social benefits sa Davao City.

Sa seremonyang pinamagatang ‘PBBM: Pagpupugay sa mga Bayani ng Bansang Makabayan’, iniabot nina Marcos at Duterte ang special financial assistance, house and lot grants, at PhilHealtlh cards sa anim na benepisyaryo ng Comprehensive Social Benefits Program.

Ang CSBP ay isang programa ng Department of the Interior and Local Government kung saan binibigyan ng special financial assistance at benefits ang pamilya o beneficiary ng isang nasawi o napuruhang miyembro ng militar o pulisya habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, bilang pagpupugay sa kanilang katapangan at sakripisyo.

Layunin nitong makapagbigay ng agaran at pangmatagalang tulong sa pamamagitan ng special financial assistance, employment assistance, health and medical assistance, educational assistance, at shelter assistance. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author