dzme1530.ph

Pamamahagi ng ayuda para sa first batch ng micro rice retailers sa Maynila, tapos na!

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na natapos na ang pamamahagi ng ayuda sa first batch ng micro rice retailers sa lungsod.

Anya ang rice retailers ay sumunod sa ipinatupad na Executive Order No. 39 ni Pangulong Bongbong Marcos.

Aabot sa 192 na micro rice retailers ang nabigyan ng P15,000 na financial assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, naka-hold muna sa ngayon ang pamamahagi ng financial assistance sa mga sari-sari store owners dahil sa patapos palang ang pamamahagi ng DSWD at DTI sa micro rice retailers.

Kasalukuyan ay hinihintay pa rin anila ng lokal na pamahalaan kung ilan ang maaprubahan sa listahan ng 2nd batch beneficiaries at sari-sari store owners.

Nabatid na aabot sa 2,019 na beneficiaries na pawang mga micro rice retailer ay sari-sari store owner. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author