dzme1530.ph

PBBM, naniniwalang ang drug dependence ay isang seryosong mental health condition

Naniniwala ang administrasyong Marcos na ang pagiging dependent sa iligal na droga ay isang seryosong mental health condition.

Sa kanyang mensahe para sa ika-apat na anibersaryo ng DOH-Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Agusan del Sur, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kapag pinabayaan ang pagiging dependent sa droga ay nagdudulot ito ng problema sa lipunan at nagiging isang malaking isyu sa public health.

Sinabi pa ni Marcos na ang kawalan ng access sa drug-abuse treatment ay nagre-resulta sa malalang sakit o masamang epekto sa komunidad.

Kaugnay dito, nanawagan ang pangulo ng Whole-of-Nation Approach laban sa pagkalat ng iligal na droga.

Kabilang na dito ang prevention, treatment, rehabilitation, at law enforcement, at ang kooperasyon ng gobyerno at pribadong sektor sa maagang pagbibigay ng edukasyon sa mga paaralan, awareness campaigns, at community-based solutions.

Kasabay nito’y hinikayat ni Marcos ang lahat ng Pilipino na i-report ang anumang drug-related activities at suportahan ang drug rehabilitation. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author