Nilagdaan sa Malakanyang ang Memorandum of Understanding para sa Clinical Care Associates Program ng Department of Health at Commission on Higher Education.
Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ceremonial signing sa president’s Hall sa Palasyo kahapon, September 28, Huwebes ng hapon.
Nagsilbing signatories ng MOU sina CHED Chairman Prospero De Vera III, Department of Health Usec. Kenneth Ronquillo, Private Sector Advisory Council Healthcare Representative Paolo Maximo Borromeo, at Private Hospitals Association Inc. President Dr. Jose Rene de Grano.
Dumalo rin ang mga kinatawan ng higher education institutions at nursing schools.
Layunin ng programa na maibsan ang shortage ng healthcare workers sa bansa sa pamamagitan ng paghi-hire sa undergraduate at unlicensed nurses bilang clinical care associates. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News