dzme1530.ph

French ministers, bibisita sa bansa ngayong taon para sa pagpapalakas ng bilateral ties ng Pilipinas at France

Bibisita sa Pilipinas ngayong taon ang grupo ng French ministers upang palakasin ang bilateral ties ng Pilipinas at France.

Ito ang kinumpirma ni French President Emmanuel Macron sa pakikipag-usap sa telepono kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Presidential Communications Office, darating sa bansa ang French government officials bago matapos ang 2023, upang bumuo ng mas marami pang kooperasyon.

Sinabi naman ni Marcos na sa nasabing pag-bisita ay maaaring ituloy ng dalawang bansa ang mga napag-usapan sa 10th Philippine-France Joint Economic Committee Meeting noong Hunyo.

Sa ngayon ay hindi pa binanggit kung sinu-sinong mga opisyal ng France ang pupunta sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng Pangulo na pananatilihin ng bansa ang close diplomatic contact sa France, sa pamamagitan ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author