dzme1530.ph

French President Emmanuel Macron, inimbitahan sa Pilipinas ni PBBM

Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si French President Emmanuel Macron na bumisita sa Pilipinas.

Sa kanilang pag-uusap sa telepono, inanyayahan ng Pangulo si Macron sa bansa, sakaling magkaroon ito ng state visit sa Asya.

Sinabi ni Marcos na maaari nilang talakayin ng French leader ang mga napag-usapan sa 10th Philippine-France Joint Economic Committee Meeting noong Hunyo.

Sakaling matuloy ang pag-bisita, ito ay sasabay sa paggunita sa ika-75 taon ng diplomatic relationship ng Pilipinas at France.

Matatandaang sina Marcos at Macron ay una nang nagpulong sa APEC Economic Leaders’ Meeting sa Thailand noong nakaraang taon.

Si Marcos ay ilang beses na ring nakatanggap ng imbitasyon mula kay Macron na bumisita sa France. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author