dzme1530.ph

Patakaran sa tamang pag export ng mga antique at artworks, ipinaalala ng BOC-NAIA

Pinaalalahanan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang mga pasahero na sundin ang mga patakaran sa pag export ng mga antique at iba pang likhang artworks.

Sinabi ng BOC na ang pag-export ng mga antique at iba pang artworks ay nangangailangan ng clearance mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Batay sa Board Resolution No. 2021-281 o ang Guidelines for Exporting Cultural Properties mula sa Pilipinas, ang mga aplikante, kabilang ang mga may-ari, artist o kanilang mga awtorisadong ahente, ay dapat magsumite ng mga kinakailangang dokumento sa NCCA nang hindi bababa sa 60 araw bago ang planong pag-export mula sa Pilipinas. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author